05/13/2011 Byaheng Uwian Fiesta sa Syudad, Pasko, Bagong Taon, Semana Santa... Yan ang mga araw na nasa bus ako. Punuan ang mga ordinaryong bus, ang pinakamurang paraan para makauwi. Mainit, maalinsangan, at madumi. Mabaho ang mga banyo. Kung medyo malinis man, singko ang bayad sa bawat gamit. Kung minsan, mausok din sa loob ng bus. At sa unang sindi ng mamang may hawak na sigarilyo alam ko na ang amoy. Kung sadyang makawiwindang na ang amoy, pinagagalitan ko ang mamang naninigarilyo. Kung sadyang matanda at tatay na ay nagpaparinig na lamang ako at minsan naiisip ko na mag-isa pala ako at hindi safe ang maging reklamadora. Eto na yata ang magiging buhay ko sa mga susunod na Araw na may okasyon. At eto yata ang buhay ng mga Bikolanong katulad ko na nakipagsapalaran dito sa malayong syudad ng Maynila. Sa bawat sakay ko, may nakikila akong Bikolano. Ironical ding isiping masayang may makausap na Bikolano dito sa Kamaynilaan gayong kung nasa sa sarili syudad a...